Add parallel Print Page Options

Sa isang pintuan ng lungsod ng Jerusalem, kung saan idinadaan ang mga tupa ay may paliguan na ang tawag sa wikang Hebreo ay Betesda.[a] Sa paligid nito ay may limang silungan, kung saan nakahiga ang maraming may sakit – mga bulag, pilay at mga paralitiko. [Hinihintay nilang gumalaw ang tubig, dahil paminsan-minsan, may isang anghel ng Dios na bumababa at kinakalawkaw ang tubig. Ang unang makalusong sa tubig pagkatapos makalawkaw ng anghel ay gumagaling, kahit ano pa ang kanyang sakit.][b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:2 Betesda: Sa ibang tekstong Griego, Betsata o, Betsaida.
  2. 5:4 Ang talatang ito ay hindi makikita sa ibang lumang teksto ng Griego.